Matagal ko nang gustong gawin ang post na ito. Nakuha ko ang idea sa entry na ito sa blog ni Paupau. Ganito ang mga magiging reaksyon ko sa mga nangyari sa buhay ko kung emotified.
1. Nosebleed
· Basta si Magno ang teacher ko sa PhD—kahit anong subject, di lang advanced statistics.
· Nung first time kong tinuro ang Biopsychology Laboratory at inaaral ang parts and functions of the human brain
· Nung inaaral ko ang grounded theory para sa thesis ko
2. Stress
· Nararamdaman pag papalapit ng ang midterms. Tumatagal hanggang pag-submit ng grades.
· Pagiging lab coordinator, prof at estudyante sa isang term. Ngayon yun.
3. Clueless
· Nung nag-test ako sa advanced statistics sa pag-interpret ng tables at graphs at sablay ang ibang sagot.
· Pag na-realize ko na dapat pala na nag-pa-advise na ako kung anong subjects ang kukunin ko sa susunod na term o dapat na inasikaso ko na ang study grant applicationko. Pero di ko kaagad nagawa kasi clueless ako sa schedule (di ko pa nai-internalize na estudyante na uli ako).
4. Grrrr
· Pag may nag-cut na pedicab sa akin sa Quirino at nagpunta sa leftmost lane (kung saan ako naka-pwesto) at mabagal na pumapadyak sa harapan ko. Nagbago na ba ang rules sa kalye? Mabagal na ba ang takbo ng traffic pag sa leftmost lane?
· Pag may mga jeepney driver na sarili lang nila ang iniiip at walang pakundangang paparada sa gitna na kalye para magsakay o magbaba ng pasahero.
· Pag nakikita ko ang payslip ko at ang kinakaltas sa sweldo ko para sa tax.
5. Work
· Pagnagka-cram ng final paper, take home exam or research paper.
· Pagnag-check ng papel ng mga estudyante
6. Puppy eyes
· Pag desperado ako dahil may requirement sa PhD at malapit na ang deadline. Halimbawa: ang pag-harass ko sa mga kaibigan ko (yung pedeng i-harass) para sumagot ng survey.
· Pag umaasa na maurong ang deadline ng mga requirements, o mawalan ng pasok kinabukasan dahil malakas ang ulan.
· Kapag nakumpleto na ang requirements sa school ilang oras bago ang deadline.
· Pag naurong ang deadline ng requirements o suspendido ang klase kinabukasan
· Kapag naka backhand crosscourt drive winner ako.
· Pag marginally out ang tira ko sa tennis at bumalik sa deuce ang score.
· Pag di ko natira ang high-bouncing shots ni ghostlightning dahil sa bilis ng spin ng bola
· Pag nalaman ko na kulang ng 1 point para pumasa sa exam dahil pinalitan ko ang unang sagot na tama naman pala.
· Pag tinira ni solar ang isang high ball gamit ang mala-Agassi na topspin forehand na may kasamang talon.
· Backhand slice ni mechafetish
· One-handed backhand ni Henin
· Gameplay ni Zidane sa football
· Taong marunong mag-violin
· Pag natapos ang isang term at may bakasyon na lagpas sa limang araw.
· Kapag maganda ang palo sa tennis

2 comments:
jennai, based on this i can summarize your life in two points.
1. School related stuff as a student.
2. School related stuff as a teacher.
3. Tennis.
Yun lang ang buhay mo?!??!!?!
GRABEH!!!! Talaga bang dapat na ipa-realize na akin?! Hahaha, may socialization na incorporated dyan noh.
Btw, di ba three points ito, not two? ^^
Post a Comment